Ipinaditine ng Senado ang isa sa TV independent contractors na isinasangkot sa umano’y sexual abuse sa actor na si Sandro Muhlach kahapon.
Ito ay matapos na ipa-cite for contempt ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Jojo Nones, independent contractor ng GMA network dahil sa kanyang pagtanggi na nag-alok siya ng pera sa ama ni Sandro na si Niño Muhlach para sa isang pipiliin niyang charity bilang settlement.
Pinangalanan si Nones kasama ang kapwa contractor na si Richard Cruz bilang respondents sa administrative complaint na inihain ni Sandro sa GMA, at sa National Bureau of Investigation.
Dumalo ang dalawa sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y madalas na sexual abuse at harrassment cases sa entertainment industry.