
Binitay ang isang lalaki na hinatulan dahil sa pagpatay sa siyam na katao sa kanyang apartment malapit sa Tokyo.
Ayon sa Justice Ministry ng Japan, si Takahiro Shiraishi, na kilala na “Twitter killer,” ay hinatulan ng kamatayan noong 2020 para sa pagpatay noong 2017 ng siyam na biktima, karamihan ay nag-post na gusto nilang mag-suicide.
Hinatulan din siya ng sexual abuse ng mga babaeng biktima.
Inaresto noong 2017 ang lalaki matapos na madiskubre ang mga bangkay ng walong dalagita at babaeng nasa legal age at isang lalaki sa cold-storage cases sa kanyang apartment.
Ayon sa mga imbestigador, kinausap ng Shiraishi ang mga biktima sa pamamagitan ng Twitter, kung saan nag-alok siya na tutulungan niya ang mga ito sa kanilang nais na gawing pagpapatiwakal.
Pinatay niya ang ang tatlong dalagita at limang babae matapos niyang gahasain ang mga ito.
Pinatay din niya ang kasintahan ng isa mga babae upang patahimikin siya.
Isinagawa ang pagbitay sa gitna ng lumalakas na panawagan na buwagin na ang parusang kamatayan o palakasin ang transparency sa Japan matapos na mapawalang-sala ang longest-serving deathrow inmate sa mundo na si Iwao Hakamada nitong nakalipas na taon.
Sikreto ang ginawang pagbitay kay Shiraishi sa Tokyo Detention House at walang mga pahayag hanggang sa matapos ang proseso.
Mayroon nang 105 na katao na nasa death row ang Japan, kabilang ang 49 na humihingi ng retrial sa kanilang mga kaso.