Nagsagawa ang U.S.-Philippines Balikatan Exercises ng two decisive Black Hawk Helicopter infiltration sorties upang kontrahin ang banta o pananakop sa mga isla sa pilipinas
Sa impormasyon na ibinahagi ng Northern Luzon Command, ang unang sortie, na binubuo ng mga tauhan mula sa 77th Infantry Battalion, ay umalis mula sa Cagayan North International Airport (CNIA) sa bayan ng Lal-lo patungong Barangay Dadao, Calayan Island.
Nabatid na ang kanilang misyon ay mangalap ng critical intelligence at patibayin ang mga depensa upang hadlangan ang anumang pagtatangka na pananakop sa mga isla na sakop ng bansa.
Sinundan ito ng ikalawang sortie na reinforced reconnaissance and surveillance operations kung saan ang kanilang mabilis na mga aksyon ay naglalayong hadlangan ang anumang masasamang aktibidad para matiyak ang seguridad at soberanya ng isla.
Tinitiyak ng mga precision operations na ito ang pinaigting na kakayahan ng pwersa ng militar na itaguyod ang katatagan ng rehiyon at protektahan ang mga teritoryo ng Pilipinas mula sa mga panlabas na banta.