Business as usual pa umano sa kasalukuyan ang sitwasyon sa United Arab Emirates (UAE) sa kabila ng away sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Augie Garma, OFW sa Dubai at tubong Cagayan Valley na tiniyak ng Ministry ng UAE na hindi maaapektuhan ang mamamayan nito, maging ang mga dayuhan ng bansa sa nagaganap na tensyon sa middle east.

Iginiit din aniya ng opisyal ng UAE ang kahalagahan ng dayalogo at political solutions para hindi mauwi sa giyera ang naturang tensiyon.

Bagamat nasa normal na sitwasyon, sinabi ni Garma na hindi nila maiwasan na matakot lalo na’t maraming Iranian at Iraqui ang nagtatrabaho sa UAE na kilalang business partner ng Amerika.

Patuloy rin aniya ang panalangin ng nasa 700,000 Filipino community sa UAE na Arab neighbor countries ng Iraq at ng Iran na hindi matuloy ang giyera.

-- ADVERTISEMENT --