Nakatuon ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) sa pagtiyak ng sustainability ng industriya ng ube sa lalawigan ng Quirino.

Sinabi ni Mary Ann Corpuz Dy, provincial director ng tanggapan, sa isinagawang ube industry stakeholders meeting na inorganisa ng Provincial Agriculture Office, katuwang ang Quirino State University (QSU), ang kanilang tanggapan ay patuloy na tutulong sa market promotion, product development, at certification.

Ipinakilala naman ng Department of Agriculture sa mga pilot farmers cooperative and associations ang good agricultural practices para matiyak ang ube raw materials for powder production.

Nangako ang pamahalaang panlalawigan ng Quirino ng suporta sa pamamagitan ng pamamahagi ng paunang 1, 000 kilo ng mga planting materials ng ube na nagmula sa mga farmers cooperative associations upang mapanatili ang kalidad ng mga native ube variety.

Nakapasok na ang ube powder ng Quirino sa Japanese market at muli silang magpapadala ng 500 kilos ng nasabing produkto.

-- ADVERTISEMENT --