Patay ang Olympic athlete na si Rebecca Cheptegei matapos na buhusan ng gasolina at sinindihan ng kanyang dating kasintahan.

Ayon sa doktor, nagtamo si Cheptegei, 33 anyos, marathon runner ng Uganda at naglaro sa Paris ay nagtamo ng matinding paso matapos ang pag-atake noong araw ng Linggo.

Sinabi ng mga awtoridad sa north-west Kenya, kung saan tumira at nagsanay si Cheptegei, inatake siya matapos na umuwi sa kanilang bahay mula sa simbahan.

Sa isang report ng local administrator, nag-aaway umano ang atleta at ang kanyang dating kasintahan sa isang lupa.

Hindi pa kinukumpirma ng pamilya ang pagkamatay ng atleta subalit sinabi ni Dr. Owen Menach, ang head ng Teaching and Referral Hospital sa Eldoret, kung saan dinala si Cheptegei sa local media na namatay ang pasyente dahil sa organ failure.

-- ADVERTISEMENT --

Dinala rin sa pagamutan ang dating kasintahan ni Cheptegei dahil sa tinamo nito na ilang paso sa katawan.

Sinabi ni Dr. Menach na nasa intensive care pa ang lalaki subalit siya ay nasa maayos nang kalagayan.

Kaugnay nito, sinabi ni local police chief Jeremiah ole Kosiom na narinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang dalawa at nakita na binubuhusan ng lalaki ng langis si Cheptegei bago niya ito sinindihan.

Batay sa impormasyon, nakabili si Cheptegei ng lupa sa Trans Nzoia county at nagtayo siya ng bahay, upang mapalapit siya sa training centres ng maraming atleta ng Kenya.

Nagtapos si Cheptegei sa 44th place sa marathon sa Paris Olympics.

Nanalo din siya ng gold sa World Mountain and Trail Running Championships sa Chiang Mai, Thailand noong 2022.