Iginiit ni House Prosecutor Rep. Terry Ridon na dapat pag-aralan ng Senate impeachment court ang ugnayan ng negosyanteng si Jaime T. Cruz sa pamilya Duterte, kaugnay ng alegasyon sa financial interests ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay kasunod ng testimonya ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na wala siyang alam sa interes ng kanyang kapatid sa GenCorp at sinabi niyang hindi niya sana papayagan ang mga kontrata nito kung alam niya ang naturang interes.

Sa mga rekord na iniharap sa impeachment court, nakakuha ang GenCorp ng 19 na kontrata mula sa Davao City government na nagkakahalaga ng mahigit P33 milyon mula 2022 hanggang 2026.

Samantala, lumitaw sa mga rekord ng SEC na si Cruz ay may corporate ties sa ilang kumpanyang konektado kay Sara Duterte at sa GenCorp.

Ang mga ugnayang ito ay sinusuri ng prosecution bilang bahagi ng Article II ng impeachment case na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth at business interests ng bise presidente.

-- ADVERTISEMENT --