Nanalo ang Labour Party sa UK general election sa pamamagitan ng landslide.

Dahil dito, si Keir Starmer ang susunod na punong ministro ng UK.

Sa kanyang victory rally, sinabi ni Starmer na magsisimula na ang pagbabago.

Nakaranas naman ng matinding pagkatalo ang Conservative Party matapos ang 14 na taon na nagbigay-daan sa pagtatapos ng pamumuno ni Rishi Sunak.

Maraming cabinet ministers ang natalo kabilang si dating Parliamentary Member Liz Truss.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Liberal Democrats ang pangatlong pinakamalaking partido sa parliament matapos ang magandang resulta sa loob ng ilang taon.

Si Starmer ay dating abogado at natanggap niya ang kanyang knighthood dahil sa kanyang serbisyo sa criminal justice noong 2014.

Lumaki siya sa isang maliit na bayan ng Surrey, sa labas lamang ng London.

Nagtrabaho ang kanyang ina sa National Health Service, ang libreng public health care system ng Britain, at ang kanyang ama ay toolmaker.

Pumanaw ang kanyang ina dahil sa inflammatory athritis, ilang linggo matapos na siya ay nahalala sa British Parliament noong 2015.

Sumunod naman ang kanyang ama matapos ang tatlong taon.

Siya ang unang miyembro ng kanilang pamilya na nag-aral sa unibersidad, kasunod nito ay tumulong siya na nagpatakbo sa left-wing magazine na Socialist Alternatives.

Naging abogado siya at tumaas ang kanyang ranggo na naging pinuno ng public prosecutions noong 2008, ang nagpapatakbo sa Crown Peosecution Service.

Sumunod nito ay pinasok na niya ang pulitika.

Sa kanyang mga talumpati bago ang halalan, sinabi ni Starmer na may long-term at malaking plano siya para sa Britain.

Kabilang dito ang paglaban sa pag-iwas sa pagbabayas ng buwis, pagbabawas sa NHS patient waiting lists at pagkuha ng mas maraming guro at mga police officers para magpatrolya sa mga komunidad.

Nais din umano niyang magkaroon ng mas magandang kasunduan sa European Union, bunsod ng hindi magandang epekto sa ekonomiya ng Brexit ng UK.

Samantala, kasunod ng pagkapanalo ng Labour Party, magbibitiw si Sunak at iimbitahan naman ni King Charles si Starmer na bumuo ng bagong gobyerno.

Isasagawa ni Starmer ang kanyang unang talumpati sa labas ng 10 Downing Street, ang official residente ng top elected officials ng Britain.

Sa sandaling matapos ang mga ito, magkakaroon ng briefing si Starmer mula sa mga pangunahing miyembro ng civil service at intelligence community, pipiliin ang susunod na bagong miyembro ng kanyang gabinete at sisimulan ang pagtanggap ng mga tawag mula sa world leaders.

Kasunod nito ay sisimulan na niya ang pagpapatakbo sa kanilang bansa.