Wala pang nananalo sa ₱201,367,778.80 jackpot sa Ultra Lotto 6/58, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang nakakuha ng winning combination na 50-48-30-25-06-33 sa raffle draw kagabi, batay sa resulta sa PCSO website.

Batay sa data ng PCSO, ang huling may nakakuha ng Ultra Lotto 6/58 jackpot ay noong Enero 5, nang mapanalunan ng nag-iisang mananaya ang P314.5 million.

Wala ring nakakuha sa Super Lotto 6/49 na jackpot na nagkakahalaga ng ₱52,946,905.80 na may winning combination na 45-21-14-28-18-41 sa isinagawang raffle kagabi.

Ang susunod na raffle para sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 bukas, April 1.

-- ADVERTISEMENT --