PASINTABI: Arestado ang 12 indibidwal matapos madiskubre ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 20 toneladang umano’y expired frozen meat products sa isang operasyon sa Marikina City noong Abril 30 hanggang Mayo 1, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa isang bodega sa Barangay Tañong, Provident Village sa bisa ng search warrant kaugnay ng paglabag sa Food Safety Act of 2013 at Meat Inspection Code of the Philippines.

Ayon sa mga awtoridad, natuklasang posibleng nire-recycle at ibinibenta pa sa merkado ang mga naturang karne na lumabas na hindi na ligtas kainin matapos ang pagsusuri ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Kabilang naman sa mga naaresto ang mga may-ari at empleyado ng isang meat trading business.

Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --