Tiniyak ng abogado nina Michelle Dee at Rhian Ramos na hindi posible ang alegasyon ng driver na si Totoy tungkol sa umano’y pananakit at ilegal na detensyon sa kanya.

Ayon kay Atty. Maggie Abraham-Garduque, pinatutunayan ng travel records ni Dee at resulta ng inquest medical examination ni Totoy na hindi tumutugma ang mga pinsala sa kanyang inilarawan sa media.

Sinabi niya na si Dee ay nasa Iloilo noong January 17 at nakabalik lang sa Maynila noong January 18, kaya’t imposible umano ang umano’y tatlong araw na pang-aabuso.

Iginiit din ng abogado na walang intensyon na ikulong si Totoy, dahil dinala lamang siya sa police station para sa tamang imbestigasyon, at itinanggi ang alegasyon ng ilegal na detensyon.

Batay sa ulat, nagsampa rin si Dee ng complaint affidavit laban sa driver kaugnay ng umano’y pagkuha ng angpao na may sensitibong larawan.

-- ADVERTISEMENT --