Iginiit ni UN Secretary-General Antonio Guterres na tanging tapat na negosasyon at diyalogo ang susi sa kapayapaan sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa isang emergency meeting ng UN Security Council, nagbabala ang UN Chief na ang kasalukuyang gulo ay maaaring humantong sa isang trahedyang “hindi na kayang kontrolin” at magmitsa ng isang malawakang giyera sa rehiyon.

Ang babala ay kasunod ng serye ng joint combat operations ngAmerika at Israel laban sa Iran, kung saan napatay ang Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei.

Binigyang-diin ni Guterres na ang anumang aksyong militar sa naturang volatile na rehiyon ay mapanganib, kaya naman madiin niyang hinimok ang lahat ng panig na itigil agad ang labanan upang maiwasan ang sunod-sunod na kaguluhan.