
Nagpahayag ng pakikiisa ang United Nations sa Pilipinas at kinumpirmang aktibo nitong tinatasa ang epekto ng mapaminsalang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao habang nakahanda itong suportahan ang pambansa at lokal na recovery efforts.
Ayon sa U.N., patuloy itong nakikipag-ugnayan sa pamahalaan at mga humanitarian partner upang matukoy ang lawak ng pinsala at matiyak ang maayos na pagtugon sa kalamidad.
Nagpaabot din ito ng pakikiramay sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng pagkasawi ng mga residente at malawakang pinsala sa mga tahanan at imprastraktura.
Pinuri rin ng U.N. ang mabilis na aksyon ng mga pambansa at lokal na awtoridad, gayundin ang dedikasyon ng mga first responder, medical personnel, at volunteers na patuloy na nagsasagawa ng search, rescue at relief operations.
Binigyang-diin din ng organisasyon ang kahalagahan ng pagpapalakas ng disaster at climate resilience bilang bahagi ng pangmatagalang rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.




