Anim ang naghain ng kanilang kandidatura sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy sa commission on elections o Comelec dito sa lungsod ng Tuguegarao.
As of 5pm kanina ay nagsumiti ng kaniyang kandidatura si incumbent 3rd District Board Member Rosauro Rodrigo Resuello sa pagka-bise alkalde ng Tuguegarao sa ilalim ng Partidong Lakas CMD.
Sabay na naghain ng COC sina Resuello at ang kaalyado nito na si Tuguegarao City Councilor Tirso Mangada na muling sasabak sa pagka-konsehal para sa kaniyang ikalawang termino.
Sumunod na naghain ng kanilang kandidatura ang iba nilang kaalyado na sasabak sa pagka-sanguniang panlungsod ng Tuguegarao na sina Ugac Norte Brgy. Kagawad Carlo Lana, Pastor Gregorio Martinez at Ventura Durian Jr.
Naghain din si Prince Nolasco Quinto (Independent) sa pagkasangguniang panlungsod.
Samantala, as of 5pm kanina ay wala pa ring naghahain ng kanilang certificate of candidacy o coc sa ibat ibang posisyon para sa provincial level.
Panawagan ng Comelec sa mga kakandidatu na agahang maghain ng kanilang certificate of candidacy at huwag hintayin ang last day ng filing para maiwasan ang aberya.
Maaari ito i-file ng personal o sa pamamagitan ng kinatawan subalit kailangan na mag-execute ng special power of attorney.
Ipinayo naman ni Atty. Michael Camangeg, Provincial Election Supervisor sa mga maghahain ng kanilang kandidatura na magdala ng limang original copy ng na-accomplish nang coc para hindi magtagal sa paghahain ng mga dokumento.
Dapat naka-attach na dito ang kanilang CONA o certificate of Nomination and Acceptance kung mayroon silang political party at dapat i-fill out lahat ang mga entries sa COC kung saan lagyan ng N/A ang mga item na hindi applicable.
Payo pa ni Camangeg na lagyan ng I.D pictures at documentary stamp tax at dapat na nanotaryohan na ito para i-re-receive na lang ng mga Comelec personnel.
Binigyang diin din ni Camangeg na sa ilalim ng bagong panuntunan ay papayagan lamang ang substitution due to withdrawal ng original candidate sa period ng paghahain ng COC o Octber 1 hanggang 8.
Tatanggap ng aplikasyon ang Comelec mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Panawagan ng Comelec sa mga supporters na iwasang magbangayan para maging maayos ang takbo coc filing.
Nakabantay naman ang kapulisan sa bisinidad ng Comelec office para matiyak ang seguridad ng bawat isa.