
Inaasahang dumating sa bansa ngayong linggo ang unang batch ng mahigit isang milyon na diesel na binili ng pamahalaan at magtatagal ito ng limang araw, ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.
Sinabi ni Recto na naging matagumpay ang isinagawang oil diplomacy ng mga opisyal ng Department of Energy sa pangunguna ni secretary Sharon Garin, na nagresulta sa 1.04 million barrels ng diesel.
Ayon sa kanya, ang bagong suplay, na binubuo ng 165.67 million liters, ay bahagi ng target ng administrasyong Marcos na makabili ng 2 million barrels ng diesel, na may puhunan na nasa P20 billion sa ilalim ng Emergency Energy Security Program ng DOE.
Layunin ng kontrata na madagdagan ang fuel supply ng bansa sa gitna ng mga hamon bunsod ng kaguluhan sa Middle East at naisapinal sa pamamagitan ng state-owned Philippine National Oil Company Exploration Corp. (PNOC-EC).
Hindi isiniwalat ng pamahalaan ang partner suppliers, subalit tiniyak na naghahanap ng potential providers, hindi lamang sa Southeast Asia, kundi maging sa Japan, Canada at Estados Unidos.
Una rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapay na suplay ng langis ang bansa hanggang June 30.










