Tuguegarao City- Nasa pangangalaga na ngayon ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang pasyenteng kauna-unahang nagpositibo sa COVID-19 na mula sa Conner, Apayao.

Ang pasyente ay isang 28 anyos na babaeng doktor, buntis at nagtatrabaho sa isang district hospital sa naturang lalawigan.

Sa panayam kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, nasa stable na kalagayan naman ang pasyente at walang iniindang mga sintomas ng sakit.

Ayon kay Dr. Baggao, palaisipan umano kung saan nahawa ang pasyente ng virus gayong wala aniya itong travel history.

Kaugnay nito ay nagsasagawa na ang mga otoridad ng contact tracing upang maisolate ang mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Baggao na isinailalim na rin ng sa mandatory quarantinang mga kasamahan ng pasyente sa pinagsisilbihang ospital.

Samantala, inihayag pa ng doktor na nananatili pa ring COVID-19 positive free ang lalawigan habang mayroong 4 na mga bagong suspected patients ang minomonitor ng mga medical personnel ng CVMC.

Muli namang umapela sa publiko si Baggao ng koordinasyon at disiplina sa pagsunod sa ipinatutupad na alituntunin upang maiwasan ang banta pa rin ng COVID-19 pandemic.