Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang unemployment rate ng bansa sa 3.9% noong Oktubre 2024.

Mas mataas ito ng kaunti kumpara sa 3.7% na naitala noong Setyembre 2024, ngunit mas mababa kumpara sa 4.2% noong Oktubre 2023.

Samantala, ang employment rate noong Oktubre 2024 ay umabot sa 96.1%, bahagyang bumaba mula sa 96.3% noong Setyembre 2024.

Ang underemployment rate naman ay tumaas sa 12.6% noong Oktubre 2024, mula sa 11.9% noong Setyembre 2024.

Ayon sa PSA, sinusunod nito ang mga pamantayan ng International Labor Organization (ILO), na nagsasabing ang isang tao ay itinuturing na employed kung siya ay nagtatrabaho ng kahit isang oras sa loob ng isang linggo.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kanilang maingat na optimismo, bagamat kinilala nila ang pagtaas ng unemployment rate.

Ayon sa Philippine Development Plan, target ng gobyerno na mapanatili ang unemployment rate sa pagitan ng 4% hanggang 5% sa mga susunod na taon.