TUGUEGARAO CITY- Nag-ikot sa mga matinding binaha na lugar dito sa Tuguegarao City ang mga United Nations ambassadors kaninang umaga.

Sinamahan ni Mayor Jefferson Soriano sina Saskai de Lang, ambassador to the Philippines-Palau,Kingdom of the Neteherlands, Gustavo Gonzales, UN Resident at Humanitarian Coordinator at Anke Reinffenstual ng Germany at isang pribadong grupo mula sa Philippine Disaster Resilient Foundation.

Nakadaupang-palad din ng mga nasabing ambassadors ang ilang mga evacuees na nagpaabot ng kanilang mga pasasalamat.

Kaugnay nito, sinabi ni Gonzales, UN Resident at Humanitarian Coordinator na layunin nila na magsagawa ng assessment sa lawak ng pinsala ng malawakang pagbaha para sa posibleng long term solutions sa katulad na mga kalamidad.

ang tinig ni Gonzales ng UN

Dala ng grupo ang kagyat na tulong na 6 tons ng relief goods para sa Tuguegarao City, Cagayan at Isabela na ipinasakamay sa Office of the Civil Defense.

-- ADVERTISEMENT --