Inihayag ng National University sa South Korea na mahigit 1,400 na estudyante ang ag-apply para sa hindi karaniwan na alok na scholarship sa halagang $540 na aakyat ng anim na bundok.
Tumanggap ang Misan Mountain Hiking Scholarship ng applications mula July 8-18, alok ang $216 scholarchip money sa mga estudyante na aakyat ng tatlong bundok sa katapusan ng taon at $450 sa mga estudyante na aakyat ng anim na bundok.
Ang mga pwedeng akyatin na mga bundok ay ang nakalista sa 100 Famouns Mountains and 100+ Famous Mountains sa Yak, hindi kasama ang mga bundok na may cable cars o gondolas.
Kailangan na isumite ng applicants ang ebidensiya ng kanilang pag-akyat sa mga bundok gamit ang Black Yak app.
Sinabi ng paaralan na ang scholarship na pinondohan ni 1963 alumnus Kwon Jun-ha, 81, ay nag-aalok ng nasa 70 spots, subalit mahigit 1,400 students na ang nag-apply, na nagbunsod ng mahigpit na kompetisyon.
Ayon sa eskuwelahan, ang scholarship ay pagpapakita ng kagustuhan ng donor na tulungan ang healthy individuals sa pamamagitan ng spirit of challenge at community spirit.