TUGUEGARAO CITY- ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) region 2 sa Fertilizer and Pesticide Authority na imbestigahan ang ginagamit na pesticide ng mga magsasaka sa Roxas, Isabela.

Ayon kay Narciso Edilllo, executive director ng DA-Region 2,ito’y matapos may matanggap ang kanilang tanggapan na impormasyon na may nagbebenta ng unlabeled pesticide mula sa ibang bansa.

Aniya, napakadelikado sa kalusugan kung magamit sa agriculture crops ang mga unlabeled pesticide dahil hindi nakadetalye ang component nito na maaring makaapektto sa pananim at sa ating kalusugan.

Kaugnay nito, inatasan na ni Edillo ang mga municipal agriculturist sa rehiyon maging ang mga magsasaka na huwag bumili ng mga unlabeled pesticide.

-- ADVERTISEMENT --

Binalaan rin ni Edillo ang mga negosyante na mahuhuling magbebenta ng nasabing produkto na hindi na sila maaring mabigyan ng permit at mahaharap sa kaukulang parusa.

Matatandaan, nitong nakaraang taon nang magsagawa ng operasyon ang FPA sa Nueva Vizcaya sa kapaehong report na dahilan ng pagkakakumpiska ng ilang pesticide.