TUGUEGARAO CITY- Unlimited rice na ang ibinibigay ngayon sa mga persons deprived of liberty sa Cagayan Provincial Jail.
Sinabi ni Catalino Arugay, warden na bukod dito, nadagdagan na rin ang kanilang ulam ng itlog lalo na sa umagahan para matiyak na hindi magutom ang mga PDL ngayong panahon ng general community quarantine na bawal pa ang pagpasok ng mga pagkain mula sa mga dalaw.
Ayon kay Arugay, nadagdagan kasi ang food allowance ng mga PDL.
-- ADVERTISEMENT --
Bukod dito, sinabi ni Arugay na may pa-videoke din siya sa mga PDL at iba pang libangan upang hindi mainip ang mga PDL dahil bawal pa ang mga dalaw.