Nasa 6.8 percent ng mga manggagawa sa buong bansa ang hindi nabayaran buhat noong Hunyo ngayong taon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Subalit, sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo, na ang nasabing bilag ay mas mababa kumpara sa 9.4 percent na naitala sa parehong panahon noong 2023, batay sa datos ng DOLE.
Hindi nagbigay ng detalye ang DOLE sa eksaktong bilang ng mga nasabing manggagawa, subalit batay sa Labor Force Survet results noong Marso ngayong taon, may 45.9 million na employed individuals ang bansa noong January 2024.
Noong June 2023, 9.4 percent ang hindi nabayarang manggagawa o ibig sabihin ay nagtatrabaho sila pero walang kinikita.
Bukod sa mga unpaid workers, isiniwalat din ni Quimbo na ang bumaba ang unemployment rate noong Hunyo sa 3.1 percent kumpara sa 4.5 percent sa katulad na panahon noong 2023.