Inihayag ni House Public Accounts Committee Chairperson Terry Ridon naang pagkakaloob ng unprogrammed o non-guaranteed funds sa national budget ay hindi sapat na dahilan upang i-impeach si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. o anumang opisyal na maaaring i-impeach.

Ito ay tugon sa pahayag ni House Deputy Minority Leader Edgar Erice na ang planong impeachment complaint laban kay Marcos ay nakabatay sa mga insertions at unprogrammed appropriations sa 2023, 2024, at 2025 national budgets.

Binigyang-diin ni Ridon na matagal nang bahagi ng budget ang unprogrammed funds mula pa noong 1989, dalawang taon matapos ang 1987 Constitution, at tatlong taon matapos ang EDSA.

Ipinaliwanag din na ang unprogrammed appropriations ay mga pondo na ibinibigay lamang kapag may sobrang kita ang gobyerno o may ibang pinagkukunan tulad ng special laws o loans.

Sa ganitong pondo, ang Pangulo ang may huling pasya kung aling item ang susuportahan kapag may sapat na pondo.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Ridon na kailangan ng mas matibay na basehan kaysa sa unprogrammed funds upang makabuo ng matibay na impeachment complaint.

Ayon naman kay House Deputy Speaker Paolo Ortega, kinikilala ng Kamara ang impeachment bilang isang constitutional mechanism, ngunit hindi ito dapat gamitin bilang political weapon.

Sumang-ayon naman si House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong na dapat nakabatay sa solid grounds ang anumang hakbang at hindi dapat gawing clickbait o pampolitikang ingay lamang.