Isang law graduate mula sa University of the Philippines (UP) ang rank 1 sa 2024 Bar examinations.
Nakuha ni Kyle Christian Tutor ang top spot na may overall rating na 85.77 percent.
Kaugnay nito, sinabi ng Supreme Court, kabuuang 3,962 ang nakapasa sa nasabing pagsusulit.
Ito ay 37.84 percent sa kabuuang Bar takers na nakumpleto ang tatlong araw na pagsusulit.
Ito ay mas mataas sa 3,812 na passers nitong nakalipas na taon.
-- ADVERTISEMENT --
Sa kabuuang 10,490 mula sa 10,504 applicants ang nakakumpleto ng Bar Examinations na isinagawa noong September 8, 11, at 15 ngayong taon.