Natunton na ng pulisya ang may-ari ng naiwang bag na nambulabog sa publiko dahil sa pinaghihinalaang bomba sa Tuguegarao City.

Sa follow-up operation ng pulisya natukoy na naiwan lamang ng isang Rodrigo Bolando ng Centro Sur, Calamanuigan ang bag nang ito ay kumain at nagmiryenda sa food court ng Tuguegarao City Commercial Center.

Base ito sa pahayag ni Anthony Tony Malanao ng Sta Maria, Isabela na isa sa mga nakapangalan sa bag na katrabaho ni Bolando.

Nilinaw ng pulisya na bagamat nakitaan ng explosive residues ang mga narekober na pipes na para umano sa pagmimina subalit wala hindi naman ito nakitaan ng components ng homemade bomb at walang intensyong makapanakit.

Nakatakda namang kunin ni Bolando ngayong araw ang naturang bag na nasa kustokdiya ng PNP.

-- ADVERTISEMENT --

Una na ring pinawi ni Market Administrator Ret. Col Dingkoy Cuntapay ang pangamba ng publiko na walang bomb threat dahil negatibo naman ang kahina-hinalang yellow bag sa bomba na naiwan sa ilalim ng upuan sa naturang mall.