TUGUEGARAO CITY- Nakabalik na sa kanilang tahanan ang 11 pamilya o 38 indibidwal na inilikas dahil sa banta ng landslide dulot ng naranasang pag-ulan sa Brgy. Asassi, Baggao, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor Joan Dunuan na hinahanapan na ng lokal na pamahalaan lokal na pamahalaan ng maayos na relocation site ang mga apektadong pamilya na nakatira sa kabundukan.
Dagdag pa ng alkalde, delikado para sa mga residente na tumira sa lugar dahil sa landslide at pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan.
Inihayag ng alkalde na may mga nahuhulog na mga tipak ng bato sa mga kabundukan kasabay ng pag-ulan kahapon.
Nagpaapot rin ng relief goods ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga evacuees.
-- ADVERTISEMENT --