TUGUEGARAO CITY- Nasa P10,000 ang laman umano ng bag ng ginang na biktima ng hold-up kanina sa parking area ng St.Peter Metropolitan Cathedral, Tuguegarao City kaninang tanghali.
Batay sa pagtatanong ng PNP Tuguegarao sa biktima na si Lorena Carag, 45, single, secretary ng RPF construction at residente ng Centro Solana, Cagayan na nang tumigil na ang kanyang sasakyan sa parking area ay may dalawang lalaki na sakay ng pulang Innova ang kinatok ang pintuan at binasag ang salamin ng kanyang sasakyan at tinutukan siya ng baril.
Tinangay umano ng mga suspek ang kanyang bag na naglalaman ng humigit-kumulang na P10,000 cash, cellphone, ATM at IDs.
Agad umanong umalis ang mga suspek gamit ang kanilang sasakyan.
Agad naman nagsagawa ng checkpoint at hot pursuit operation ang mga pulis para sa posibleng apprehension sa mga suspek.