Nag-overheat na electric fan ang itinuturong dahilan ng sunog na tumupok sa isang kwarto ng bahay sa Centro Dos, Lasam, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Fire Inspector Artemio Salvatiera ng BFP-Lasam na posibleng ang nakasaksak na electric fan sa kwarto ng mag-asawang Antonio at Maria Barata ang pinagmulan ng sunog.
Nagsimula ang sunog bandang 10:55 ng umaga habang nasa banyo ang ginang at idineklarang fire under control alas 11:15 ng umaga.
Bukod sa ilang appliances sa kwarto ng mag-asawa, kasama sa nasunog ang perang nagkakahalaga ng P200,000 na pinagbentahan ng mag-asawa sa inaning palay.