TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng PNP ang motibo at kung sino ang mga nagsagawa ng pamamaril sa Piat, Cagayan kaninang umaga.

Sinabi ni Pol. Capt. Gil Pagulayan, hepe ng PNP Piat na kasalukuyan na ang ginagawang pagtatanong sa mga nakaligtas sa pamamaril at ilang testigo.

Ayon kay Pagulayan, patay si Eunice Aquino Mallorga habang sugatan ang kanyang asawa na si Rex Anthony, at 2 years old na anak, pawang taga- Gagabutan, Rizal at Simeon Baloran ng Buntun, Tuguegarao City.

Hindi naman nasaktan sa insidente ang dalawa pang anak ng mag-asawang Mallorga.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Pagulayan, sa kanilang inisyal na imbestigasyon, binilisan umano ng driver na si Rex Mallorga ang pagpapatakbo ng pick-up nang mapansin niya na sinusundan sila ng isa pang sasakyan.

Dito na umano sila hinabol ng sasakyan ng mga suspek at pinapatukan gamit ang m16 rifle.

Dahil dito, dumiretso ang sasakyan ng mga biktima sa matubig na palayan.

Sinabi ni Pagulayan na nasa 30 bala umano ang pinakawalan ng mga suspek.

Ayon sa kanya, papunta sana umano ang mga biktima sa Tuguegarao City para magpa-krudo.

Ginagamot na ang mga sugatan sa isang pribadong ospital sa Tuguegarao City.

ang tinig ni Pagulayan