Umakyat na sa tatlo ang patay habang isa ang nawawala sa malawakang pagbaha sa Cagayan dahil sa walang tigil na pag-ulan na sanhi ng Bagyong Quiel.

Dalawa sa mga nasawi ay naitala sa bayan ng Claveria dahil sa pagkalunod at landslide habang isang 14-anyos ang nakuryente habang naglalaro sa tubig baha sa bayan ng Aparri.

Isa naman ang patuloy na pinaghahanap sa bayan ng Baggao matapos malunod habang nangingisda sa bayan ng Baggao.

Umakyat na rin sa kabuuang 2,373 pamilya o 8,185 katao ang inilikas mula sa walong bayan sa Northern Cagayan sa ibat-ibang mga evacuation center.

Kinabibilangan ito ng mga bayan sa Sanchez Mira, Pamplona, Allmacapan, Claveria, Baggao, Lasam, Lal-lo at Camalaniugan.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa sampung kalsada at walong tulay ang lubog sa tubig baha at hindi madaanan.

Nananatili namang walang pasok sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha.