Tuguegarao City- Pinaghahandaan na Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang upgrading ng mga medical apparatus bilang bahagi ng inaasahang pagdaragdag ng bed capacity ng pagamutan.
Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief na una ng bumili ang CVMC ng mga modernong ultrasound, endoscope at broncoscope equipment na makatutulong sa pagbibigay ng karagdagang serbisyo.
Layon ng nasabing hakbang ay upang pagandahin pa ang kalidad ng serbisyo para sa mga pasyenteng inaadmit sa nasabing pagamutan.
Maalalang isinusulong sa senado ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang bed capacity sa pagamutan mula 500 hanggang 1,000 bed capacity.