Pinag-uusapan ng United States at China ang pagbuo ng bagong mekanismo para agad na maabisuhan ang bawat bansa tungkol sa mga insidente sa artificial intelligence o AI na maaaring makaapekto sa pambansang seguridad.

Ayon kay US Treasury Secretary Scott Bessent, tinalakay ito sa kaniyang pakikipagpulong kay Chinese Vice Premier He Lifeng sa New York.

Nangyari ang pag-uusap ilang araw bago ang nakatakdang summit nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping sa Washington.

Ayon kay Bessent, mahalagang magkaroon ng mas malaking transparency sa pagitan ng dalawang pinakamalalaking AI powers sa mundo, lalo na sa mga insidenteng may posibleng epekto sa national security.

Bukod sa AI, tinalakay rin ng dalawang panig ang kalakalan at posibleng pagbabawas ng tariffs, habang nakatakdang mag-expire sa Nobyembre 10 ang kasalukuyang truce sa trade war ng dalawang bansa.

-- ADVERTISEMENT --