
Naglunsad ang Estados Unidos at Israel ng pag-atake sa Iran, kasabay ng pagkumpirma ni US President Donald Trump ang may isasagawang “major combat operations.”
Sinabi ni Israeli Defence Minister Israel Katz, naglunsad ang kanilang bansa ng “pre-emptive” attack sa Tehran.
Ayon sa Israeli military, nagpakalawa ng retaliatory missiles ang Iran.
Maraming mga pagsabog ang narinig sa limang lungsod sa Iran.
Inilarawan ngh Trump ang military campaign na “massive and ongoing,” at layunin nito na mapigilan ang Iran na ilagay sa panganib ang buhay ng mga mamamayan ng US.
Ayon sa kanya, muling pinapalakas ng Iran ng kanilang nuclear program matapos ang pagbomba ng US sa kanilang nuclear facilities noong buwan ng Hunyo.
Iginigiit naman ng Iran na ang kanilang nuclear program at para sa civilian purposes.
Ayon sa state media ng Iran, naghahanda ang bansa para sa pagganti sa pag-atake ng US at Israel.
Nagdeklara ang Israel ng state of emergency bilang paghahanda sa pagganti ng Iran.
May mga ulat na inilipat sa ligtas na lugar ang supreme leader ng Iran nasi Ayatollah Ali Khamenei.
Ang pag-atake ay kasunod ng 12 araw na air war noong Hunyo sa pagitan ng Israel at Iran, at ang paulit-ulit na babala ng US at Israel na magsasagawa sila ng pag-atake kung ipagpapatuloy ng Iran ang kanilang nuclear at ballistic missile program.
Ayon sa Israeli defense official, ilang buwan na plinano ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Washington, at napagpasiyahan na itutuloy ang pag-atake ilang linggo ang nakalipas.
Ipinag-utos ng Israeli military ang pagsasara ng mga paaralan at mga tanggapan, maliban lamang sa mahahalagang sektor, at ipinagbawal ang public airspace.
Nagkaroon ng panibagong negosasyon ang US at Iran nitong buwan ng Pebrero sa layuning maresolba ang ilang dekada nang dispute sa pamamagitan ng diplomasya at mapigilan ang banta ng military confrontation na magreresulta ng destabilisasyon sa rehion.










