Tiniyak ng Philippine Embassy sa Washington D.C. na nakikipag-ugnayan na sila sa US authorities matapos na hindi papasukin sa ports ng Amerika ang ilang Filipino seafarers.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas, partikular silang nakikipag-ugnayan sa US Department of State at sa Department of Homeland Security.

Kinumpirma rin ng Philippine Embassy na base sa impormasyon na pinarating sa kanila, ang denial of entry sa Pinoy seafarers ay naaayon sa umiiral na U.S. laws, regulations, and policies.

Sa kabila nito, iginiit ng Embahada na tuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Amerika.

Una na ring tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na bibigyan nila ng assistance ang mga apektadong Pinoy seafarers.

-- ADVERTISEMENT --