
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Babes Romualdez na binawi ng pamahalaan ng Estados Unidos ang diplomatic at tourist visas ni Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.
Nangyari ito habang iniimbestigahan si Romualdez kaugnay ng mga reklamong may kinalaman sa umano’y anomalya sa mga flood control project.
Nauna nang nagpalabas ang Sandiganbayan ng precautionary Hold Departure Order laban kay Romualdez habang dinidinig ang mga reklamong plunder, direct at indirect bribery, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at money laundering.
Patuloy namang itinatanggi ni Romualdez ang mga paratang at iginiit na nakabatay lamang umano ang mga ito sa mga haka-haka at hindi sa matibay na ebidensiya.




