PInatumba ni undefeated US boxer Jesse Rodriguez si Juan Francisco Estrada ng Mexico para makuha ang World Boxing Council super flyweight title.

Unang pinatumba ng 24-anyos na US southpaw boxer si Rodriguez sa ikaanim na round sa laban na ginanap sa Phoenix, Arizona.

Pagpasok ng ikapitong round ay hindi pinatawad ni Rodriguez ang Mexican boxer at muling napatumba kay napilitan si referee Chris Flores na itigil ang laban.

Dahil dito ay mayroong malinis na 20 panalo at wala pang talo na may 13 knockouts ang American boxer habang ang 34-anyos na si Estrada ay mayroong 44 na panalo at apat na talo.

Si Rodriguez na dating flyweight at super flyweight champion ay umalis sa 112 pounds at umakyat ng 115 pounds division at hinamon si Estrada.

-- ADVERTISEMENT --