
Itinanggi ng U.S. Central Command ang pahayag ng Iran na may mga sundalong Amerikano na umano’y nabihag o nahuli ng kanilang pwersa.
Sa isang post sa social media platform na X, sinabi ni Iranian security chief Ali Larijani na may ulat umano na ilang sundalong Amerikano ang nakuha bilang bihag.
Gayunman, pinabulaanan ito ni U.S. Navy Captain Tim Hawkins, tagapagsalita ng U.S. Central Command. Ayon sa kanya, walang katotohanan ang naturang pahayag.
Sinabi ni Hawkins na ginagawa lamang umano ng pamahalaan ng Iran ang lahat upang magpakalat ng maling impormasyon at linlangin ang publiko.
Dagdag pa niya, isa lamang ito sa mga halimbawa ng umano’y propaganda ng Iran sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
-- ADVERTISEMENT --










