Inihayag ni US Secretary of State Marco Rubio na ligtas ang lahat ng personnel matapos na tamaan ng drone ang compound ng US consulate sa Dubai.

Ang drone ay pinaniniwalaan na pinakawalan ng Iran.

Una rito, isinara ng US ang kanilang mga embahada sa Saudi Arabia, Kuwait, at Lebanon at pinayuhan ang kanilang mga kababayan na umalis sa ilang bansa sa Middle East.

Kaugnay nito, sinabi ni US President Donald Trump na halos lahat ng military installations ng Iran ay nasira sa air strikes at ang target ngayon ng mga pag-atake ay ang Iranian leadership.

Tinamaan naman ng Israel ang isang compound na pagmamay-ari ng grupo na responsable sa pagpili sa susunod na supreme leader ng Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, umaabot na sa 780 katao sa Iran ang namatay sa patuloy na pagpapasabog ng US at Israel sa Iran.