Naghain ng anim na articles of impeachment ang mga Democrat sa US laban kay Pete Hegseth, na kasalukuyang kalihim ng Pentagon, dahil sa umano’y seryosong paglabag sa batas at kapangyarihan.

Ang resolusyon ay nag-aakusa kay Hegseth ng pagsisimula ng giyera laban sa Iran nang walang pahintulot ng Kongreso, pati na rin ng paglabag sa batas ng digmaan at paglalagay sa panganib ng mga sundalong Amerikano.

Kabilang sa mga alegasyon ang isang airstrike sa isang paaralan sa Iran na ikinamatay ng mahigit 170 katao, pati umano’y ilegal na “double tap” strikes at maling paghawak ng sensitibong impormasyon ng militar.

Gayunman, maliit ang tsansang maaprubahan ang impeachment dahil kontrolado ng Republicans ang House of Representatives. Sa ilalim ng sistema ng US, kinakailangan pang mahatulan ng Senado upang tuluyang mapatalsik sa puwesto ang isang opisyal.

Depensa naman ng Pentagon, isa lamang itong hakbang ng Democrats upang makakuha ng atensyon, at iginiit na naisakatuparan ng administrasyon ang mga layunin nito sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --