Naging mapayapa sa pangkalahatan ang halalan sa America maliban lamang sa ilang disruptions at pagkaantala.
Kaugnay nito, sinabi ni Cait Conley, senior adviser sa director ng Cybersecurity and Infrastructure Security Agency na wala silang binabantayan na anomang insidente na makakaapekto sa election security.
Kabilang sa mga nakaapekto sa mga botante ay ang normal na minimal problems sa halalan, tulad ng isang manggagawa na nakalimutan ang susi sa pinakamalaking county sa Arizona at ang kabiguan ng election judge na magpakita sa polls sa Allegheny County sa Pennsylvania.
Nagkaroon naman ng pagkakamali sa ballot printing at nag-imprenta ng mga bagong balota at pinalawig ang oras ng botohan sa ilang lugar sa US.
Nagdulot din ng problema sa ilang lugar dahil sa masamang panahon sa ilang lugar na nagbunsod din ng ilang pagbaha at iba pang isolated na problema, kabilang ang pagkawala ng suplay ng kuryente sa isang polling place sa Missouri kaya gumamit sila ng generator para maipagpatuloy ang botohan.
Ipinag-utos naman ng Pennsylvania state judge na palawigin ng dalawang oras ang pagboto sa Cambria County, na bumoto ng 68 percent para kay Donald Trump noong 2020.
Ito ay bunsod ng software malfunction na nakaapekto sa ballot-scanning machines, subalit sinabi ng county officials na nakaboto ang lahat at lahat ng balota ay mabibilang.
Bukod sa hurricanes sa North Carolina at Florida, ang nakakabahalang insidente sa election season ay ang arson attacks na sumira sa ballots sa dalawang drop boxes malapit sa Oregon-Washington border.
Samantala, patuloy naman ang tirada ni Trump kung saan sinasabi niya na may maraming fraud o election interference sa panahon ng early voting period, na posibleng maging isa sa mga hamon pagkatapos ng Election Day.
Ipinahiwatig ni Trump na tatanggapin niya ang kanyang pagkatalo kung naging patas ang halalan.
Nanawagan naman ang kanyang katunggali na si Kamala Harris sa mga botante na huwag maniwala sa mga taktika ni Trump.
Sa ibang banda, nanawagan si Jen Easterly, top security official sa kanilang mga mamamayan na umasa sa state at local election officials para sa mga impormasyon tungkol sa halalan.
Ang panawagan ay bunsod ng pagiging aktibo ng foreign actors sa paggamit ng fake social medial profiles at websites upang magpakalat ng mga maling impormasyon.
Ito ay sa kabila na wala namang malaking reports ng anomang malicious cyber-activity na nakaapekto sa election offices.