Isang Filipina immigrant ang asawa ni Jonathan Ross, ang Immigration and Customs Enforcement officer na bumaril-patay kay Renee Good sa Minneapolis noong Miyerkoles.

Sinabi ni Ed Ross, ama ni Jonathan, ang mga magulang ng asawa ng kanyang anak na isa nang US citizen ay naninirahan sa Pilipinas.

Si Jonathan Ross, 43 anyos, at may asawang Filipina ay ikinasal noong 2012.

Si Ross ay isang Iraq war veteran na nagsilbi ng halos dalawang dekada sa Border Patrol at US Immigration and Customs Enforcement.

Nagsilbi siya bilang deportation officer sa ICE buhat noong 2015.

-- ADVERTISEMENT --

Binaril ni Ross si Good, isang 37-year-old, nang subukan niyang paandarin ang kanyang sasakyan para lumayo mula sa federal agents noong Miyerkoles.

Bago binaril-patay si Good, inihatid niya ang kanyang bunsong anak sa elementary school sa Minneapolis.

Habang patuloy na iginigiit ng mga opisyal ng Trump administration na isang domestic terrorist na tinangkang banggain ang deferal agents gamit ang kanyang sasakyan si Good, nagdadalamhati ang kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kapitbahay ni Good na inalala nila na isang mabait at openhearted.