Inanunsiyo ng administrasyon ni US President Donald Trump ang pagbebenta ng armas sa Taiwan na nagkakahalaga ng mahigit $10 bilyon, kabilang ang mga medium-range missile, self-propelled howitzer, drone at iba pang kagamitang militar.

Ayon sa U.S. State Department, saklaw ng deal ang 82 HIMARS, 420 ATACMS missile, mga missile system tulad ng Javelin at TOW, military software at mga piyesa ng helicopter.

Layunin ng nasabing deal na palakasin ang kakayahan ng Taiwan sa sariling depensa at mapanatili ang balanse at katatagan ng seguridad sa rehiyon.

Nagpasalamat ang Taiwan at sinabing mahalaga ang tulong ng U.S. sa pagpigil sa posibleng sigalot sa Taiwan Strait, habang inaasahan na tututol ang China sa nasabing hakbang