Inanunsyo ng White House na ipapataw ng administrasyon ni US President Donald Trump ang 25% na taripa sa mga inangkat na produkto mula sa Canada at Mexico, at 10% na buwis sa mga kalakal mula sa China.

Ayon sa isang pahayag, ang mga enerhiya na inaangkat mula sa Canada ay magkakaroon ng mas mababang taripa na 10%. Ang layunin ng mga taripang ito ay upang tugunan ang krisis sa fentanyl sa Estados Unidos.

Inanunsyo rin ng White House na magsisimula ang mga taripa sa mga kalakal mula sa Canada at China mula alas-12 ng hatingabi ng Martes, ayon sa mga kautusang ipinalabas ni Trump. Hindi pa malinaw kung ang parehong deadline ay ipatutupad din sa Mexico.

Samantala, sinabi ni Mexico’s President Claudia Sheinbaum nitong Biyernes na handa ang kanilang bansa, ngunit mag-aakto sila nang “may malamig na ulo” kung ipatutupad ang mga taripa.

Nagbigay din ng pahayag ang embahada ng China sa Washington, na nagsasabing walang sinuman ang makikinabang mula sa isang trade war o tariff war.

-- ADVERTISEMENT --

Maghihintay na lang tayo ng mga susunod na developments sa isyung ito.