
Naglunsad ang Trump administration ng military strikes sa Syria para buwagin ang Islamic State group fighters at weapons sites bilang ganti sa ambush na pumatay sa dalawang sundalo ng US at isang American civilian iterpreter dalawang linggo na ang nakalipas.
Inilarawan ng isang opisyal ng US ang pag-atake na “large scale” strike na tinamaan ang 70 targets sa central Syria na may IS infrastructure at mga armas.
Idinagdag ng isa pang opisyal na hindi nagpakilala na magkakaroon ng mas marami pang pag-atake sa Syria.
Binigyang-diin ni Defense Secretary Pete Hegseth sa social media na ito ay hindi simula ng giyera, sa halip ito ay deklarasyon ng paghihiganti.
Una rito, nangako si Pangulong Donald Trump na maglulunsad ng “very serious retalliation” matapos ang pamamaril sa Syrian desert, kung saan sinisi niya ang IS.
Ang mga namatay ay kabilang sa maraming US troops na itinalaga sa eastern Syria bilang bahagi ng coalition na lumalaban sa militant group.






