Tinawag ni US President Joe Biden bilang “dangerous precedent” at nakakasira sa rule of law ang desisyon ng US Supreme Court na partial immunity kay dating Pangulong Donald Trump mula sa paglilitis sa kaniyang mga kinakaharap na kasong kriminal.
Sa isang televised statement nitong gabi ng Lunes, oras sa Amerika, inihayag ni Biden na ang naturang hatol ay isang “terrible disservice” para sa Americans.
Sinabi din nito na itinatag ang Amerika sa prinsipyong bawat isa ay pantay-pantay sa harap ng batas.
Walang sinuman ang mas nakakalamang sa batas, kahit na ang presidente ng Estados Unidos.
Samantala, binanggit din ni US President Biden ang ginawa ni Trump na pagpapadala ng mga tao sa US Capitol na nagresulta ng kaniyang kinakaharap na posibleng criminal conviction sa nangyari noong January 6.
Nararapat din aniya na magkaroon ng kasagutan ang mamamayan ng Amerika mula sa korte kaugnay sa naturang kaso bago ang nalalapit na US Presidential election.