Papuri ang natanggap ni Pangulong Ferdinand MarcosJr kay US President Donald Trump.

Sa isinagawang banquet dinner kasama ang ibang world leaders na dumalo sa 49th ASEAN Summit, ay agad na binati ng US President si Marcos dahil sa matagumpay na hosting nito ng ASEAN Summit.

Hindi rin nito maitago ang paghanga sa anak nitong si Ilocos Norte Rep.Sandro Marcos na sumalubong sa kaniya sa Villamor Airbase.

Sinabi ni Trump na tila nasa lahi na ng mga Marcoses ang pagiging matagumpay dahil nakilala na rin ng US President sa personal ang ama ng pangulo na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Hinikayat din ni Trump si Pangulong Marcos na iparating sa kanila sa pamamagitan ni US Secretary of State Marco Rubio kung mayroon itong kailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbiro pa ito na kaniyang sisibakin si Rubio kapag hindi nito binigyan ng pansin ang hirit niya.

Magsasagawa naman bilateral meeting sina Trump at Marcos sa pagdalo nila sa APEC summit na gaganapin ito sa China.