
Inilipat umano sa ibang eroplano si US President Donald Trump matapos makatanggap ang mga awtoridad ng posibleng banta ng missile attack laban sa eroplanong kanyang sasakyan matapos ang NATO summit noong Hulyo.
Ayon kay Trump, sinunod lamang niya ang utos ng Secret Service at militar na sumakay sa ibang flight. Iniulat naman ng mga opisyal na may natukoy na credible Iranian threat na magpapaputok ng missile sa eroplano.
Sa halip na sumakay sa Air Force One na nakitang kanyang sinakyan sa Ankara, Turkey, palihim umanong inilabas si Trump sakay ng isang catering truck at inilipat sa isang C-32A military aircraft. Nanatili sa orihinal na Air Force One ang ilang opisyal at mga mamamahayag, na hindi alam na wala na roon ang pangulo.
Ayon sa mga ulat, isinagawa ang maneuver matapos muling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Gayunman, sinabi ni Trump na mas mataas pa umano ang panganib sa eroplanong kanyang sinakyan.
Samantala, binigyang-diin ng Committee to Protect Journalists na dapat ipaalam sa mga mamamahayag ang mga credible security threats upang makapagpasya sila nang maayos para sa kanilang kaligtasan.










