Pinagtibay ng federal appeals court ang hatol kay President-elect Donald Trump na magbayad ng $5 million para sa sexual abuse at defamation sa writer na si E. Jean Carroll.

Napatunayan ng New York Jury ang pagkakasala ni Trump matapos ang siyam na araw na civil trial nitong nakalipas na taon kung saan nakaranas ng sexual abuse si Carroll mula kay Trump sa isang department store sa Manhattan noong 1996.

Inatasan si Trump na magbayad ng $2 million para sa sexual abuse at $3 million para sa defamation kay Carroll, dating advice columnist para sa Elle magazine.

Mariing pinabulaanan ni Trump ang mga alegasyon at naghain siya ng apela sa hatol sa basehan na ang dalawang iba pang babae na sinabi niya na nakaranas sila ng sexual assault ay hindi dapat na pinayagan na tumestigo.

Hindi naman sinang-ayunan ng three-judge panel ng Second US Circuit Court of Appeals ang apela ni Trump.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinagkaloob kay Carroll ang $83 million ng isa pang jury sa hiwalay na kaso na inihain niya laban kay Trump.