Nag-plead guilty ang isang US Army intelligence analyst sa pagbibigay ng sensitive defense information sa China, kabilang ang mga dokumento tungkol sa US weapons systems at military tactics at strategy.
Matatandaan na inaresto si Sgt. Korbein Schultz, na hawak ang top-secret security clearance sa Fort Campbell, isang military base sa Kentucky-Tennessee border.
Inamin ni Schultz ang pakikipagsabwatan para makakuha at mailahad ang national defense information, pagbabahagi ng technical data may kaugnayan sa defense articles na walang lisensiya, conspiracy to export defense articles without a license, at panunuhol sa isang public official.
Batay sa mga dokumento, ibinigay ni Schultz ang maraming sensitibong US military documents sa isang indibidual sa naninirahan sa Hong Kong na pinaniniwalaan na may kaugnayan sa Chinese government.
Ayon sa justice department, nabayaran umano siya ng $42,000 para sa nasabing mga impormasyon.