Magdodonate ang US supermodel sisters na sina Bella at Gigi Hadid ng $1m para suportahan ang relief efforts sa Palestine.

Ayon sa kinatawan ni Bella, ang nasabing halaga ay ibibigay sa apat na humanitarian organisations na naka-focus sa mga bata at mga pamilya na apektado ng kaguluhan sa Gaza.

Ang magkapatid na ang kanilang ama ay si Palestinian property tycoon Mohamed Anwar Hadid ay naging vocal sa kanilang suporta sa mga taong apektado ng kaguluhan.

Ang donasyon ay matapos ang ilang serye ng pagkuha ng larawan ng modelo sa Cannes Film Festival nitong nakalipas na buwan kung saan suot niya ang pula at puting dress na gawa sa traditional Arabic cloth na may kaugnayan sa kultura ng Palestine.

Ang apat na relief agencies na tatanggap ng donasyon mula sa magkapatid ay ang Heal Palestine, Palestine Children’s Relief Fund, World Central Kitchen, and United Nations Relief and Works Agency.

-- ADVERTISEMENT --

Tumutulong ang nasabing mga organisasyon sa humanitariad aid kabilang ang pagbibigay ng mga pagkain at medical programmes, tumutulong sila sa displaced families, at nagbibigay din sila ng psychological services sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.